Connect with us

MMDA, pinalilinis ang ilalim ng mga flyover sa kahabaan ng EDSA

MMDA, ipinag-utos ang pagtatanggal ng mga abandonadong sasakyan at sirang barriers sa ilalim ng mga flyover

National News

MMDA, pinalilinis ang ilalim ng mga flyover sa kahabaan ng EDSA

Ipinag-utos ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos ang pagtatanggal ng mga kalat na nakabara sa daaanan kabilang na ang mga illegally parked at abandonadong sasakyan sa ilalim ng tatlong flyover sa kahabaan ng EDSA.

Open Photo

Kasama dito ang EDSA-Kamuning, Timog, at Quezon Avenue.

Open Photo

Giit ni Abalos, hindi pwedeng gamitin para sa impounding ang mga lugar na ito dahil sa isa itong national highway at walang maaaring gumamit nito.

Open Photo

Umapila naman si Abalos sa mga vehicle owners na iwasan ang pag-parada ng kanilang mga sasakyan sa ground level ng mga flyover.

Bukod dito ay nagbigay din ng direktiba si Abalos sa pamunuan ng Metro Parkways Clearing Group (MPCG) at Road Emergency Group (REG) na tanggalin ang mga hindi ginagamit na MMDA equipment sa mga nasabing lugar.

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top