Connect with us

MMDA hinimok ang mga residente sa NCR na maging responsable sa pagtapon ng basura ngayong tag-ulan

MMDA hinimok ang mga residente sa NCR na maging responsable sa pagtapon ng basura ngayong tag-ulan.

Metro News

MMDA hinimok ang mga residente sa NCR na maging responsable sa pagtapon ng basura ngayong tag-ulan

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Ito ang panawagan ng MMDA matapos idineklara ng pagasa ang opisyal ng pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, kinakailangang responsable at may disiplina ang  pagatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara sa mga daluyan ng tubig ulan na maging sanhi ng pagbaha.

Ani Abalos, makikipag-ugnayan ang kanyang ahensya sa mga Local Government Units (LGUs) para sa striktong pagpataw ng penalty sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.

Sa kasalukuyan minomonitor na ng MMDA ang mga mabababang lugar gaya ng Araneta Avenue sa Quezon City, España sa syudad ng Manila, Buendia South Superhighway, Manila City Hall, at Maysilo sa Mandaluyong City.

More in Metro News

Latest News

To Top