Connect with us

Miyembro ng BIFF na umatake sa Datu Paglas, hindi konektado sa ISIS – AFP

Hindi konektado ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) na naka-engkwentro ng mga pwersa ng militar sa Datu Paglas sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

National News

Miyembro ng BIFF na umatake sa Datu Paglas, hindi konektado sa ISIS – AFP

Hindi konektado ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) na naka-engkwentro ng pwersa ng militar sa Datu Paglas sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Sa panayam ng SMNI News kay Lt. Col. John Paul Baldomar , ang tagapagsalita ng Joint Task Force Central ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sinabi nito na walang koneksiyon ng nakasagupaang rebelde ng tropa ng militar  sa ISIS.

“Hindi po,ang ISIS link po natin is yung Dawla Islamiya,” ang pahayag ni Baldomar.

Ayon kay Baldomar, dalawang Linggo na nilang minomonitor ang nasabing grupo dahil ito rin ang grupo na sangkot sa pagpapasabog ng IED noong nakalipas na dalawang Linggo kung saan 2 civilian na babae ang namatay at ikinasugat  ng 2 pa.

Aniya “Itong BIFF na na-encounter natin diyan sa Datu Paglas, Maguindanao last May 8, ito rin sila yung grupo na for two weeks na nating minaman-manan at pinu-pursue ay galing po sila sa spms box,kung naalala pa natin for the past two weeks nagkaroon  tayo ng engkwentro sa spms box  kung saan po anim na I.E.D’s yung pinasabog nila dahil tinututulan nila yung inuaguration ng joint peace and security team outpost.”

Mariin namang itinanggi  ng opisyal ang mga kumakalat  na mga social media na umabot sa 200 na terorista ang lumusob sa datu paglas.

“Yun po yung nais nating linawin kasi iba’t-ibang impormasyon po  ang pinapakalat sa social media, ang katotohan niyan po ay 20 lang po ang ating na engkwentro sa araw na yan that is based on the actual na bilang ng  ground troops natin nung kanilang na engkwentro ang nasabing grupo na hanggang ngayon ay tuloy-tuloy nating tinutugis,” ang paliwanag ng opisyal.

Sinabi pa nito na nagmula sa Salibo, Pagatin, Mamasapano, at Shariff Agwak o ang  SPMS box.

Ang grupo ay pinamumunuan ni Muhiden Animbang Indong na kilala sa tawag na ‘Salah’ o Commander  Karialan.

Isa ang grupo na sumuporta sa Maute group sa naganap na Marawi siege noong 2017.

Binigyang linaw din ni Baldomar ang kumakalat na video post sa Facebook kung saan makikita sa video na may sundalo na lubhang tinamaan at kalauna’y namatay ay naganap sa Datu Unsay at noong  nakaraang linggo pa ito nangyari.

Samantala nagpapatuloy parin ang pursuit operation ng mga sundalo upang mawakasan ang paghahasik ng karahasan ng mga nasabing grupo.

” Tuloy-tuloy ang ating pursuit operation, katunayan nga po kanina mayron na naman tayong engkwentro sa nasabing grupo pa rin dahil tuloy-tuloy [po ang pagtugis natin sa kanila ,utos po ng ating joint task force central ay hindi po natin pagbibigyan ng panahon ang mga ito na makapagpahinga kaya ang ating tropa ay tuloy-tuloy na tumutugis at humahabol sa mga nasabing grupo para ang mga ito ay ma pressure at mawakasan ang ganitong ang anumang plano nila na katulad sa nangyari dito sa Datu Paglas.”

Nanawagan naman ni Baldomar sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad ireport ang mga presensya ng mga rebelde at siniguro nito na sila ay laging handa upang maprotektahan ang mamamayan laban sa anumang banta ng terorismo.

More in National News

Latest News

To Top