Connect with us

Miyembro ng ASG kabilang ang lider ng sipadan hostage taking, patay sa engkwentro sa Sulu

miyembro

Regional

Miyembro ng ASG kabilang ang lider ng sipadan hostage taking, patay sa engkwentro sa Sulu

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group kabilang na ang lider ng 2000 Sipadan kidnappings matapos makaengkwentro ng militar sa Sulu.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Angga Ajid.

Naganap ang engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf at tropa ng 2nd Special Forces Battalion sa isang barangay sa Talipao habang nagsasagawa ng combat patrol.

Narekober sa pinagyarihan ng sampung minutong bakbakan ang dalawang rifles at isang grenade launcher.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Divino Rey Pabayo Jr. na ang matagumpay na operasyon ng militar laban sa abu sayyaf ay dahil sa kooperasyon ng mga residente sa lugar na nagbibigay ng lokasyon ng mga ito.

 

DZARNews

 

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top