Connect with us

Miyembro ng Abu Sayyaf, huli sa Sulu

Arestado ng pulisya ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Omar, Sulu.

National News

Miyembro ng Abu Sayyaf, huli sa Sulu

Arestado ng pulisya ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Omar, Sulu.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group director Police Brigadier General Jonnel Estomo, kinilala ang suspek na si Berhamin Ellih alyas Berhamin Hamad na nahaharap sa 25 counts ng arson.

Napag-alaman na ang suspek ay sangkot  sa panununog at pagwasak sa ilang bahay sa Sitio Bait-Bait, Barangay Lahing-Lahing, Omar, Jolo, Sulu noong Agosto 2016.

Maliban dito, sangkot din ang suspek sa ilang insidente ng pagdukot kabilang ang 5 Indonesian nationals sa Malaysia noong Enero 2020 at Sabah, Malaysia noong Abril 2000.

Dinala na sa Omar Municipal Police Station ang suspek para sa book procedure at proper disposition.

More in National News

Latest News

To Top