Connect with us

Miss Universe India, wagi sa 70th Miss Universe; Miss U Phil. Luigi Gomez pasok sa top 5

Miss Universe India, wagi sa 70th miss universe; Miss U Phil. Luigi Gomez pasok sa top 5

Showbiz

Miss Universe India, wagi sa 70th Miss Universe; Miss U Phil. Luigi Gomez pasok sa top 5

Kinoronahan si Miss Universe India Harnaaz Kaur Sandhu  sa ginanap sa 70th Miss Universe na ginanap sa Universe Arena sa Eilat Israel.

Tinanghal naman bilang 1st runner up si Miss Nadia Ferreira ng Paraguay habang 2nd runner up si Lalela Lali Mswane mula sa South Africa.

Habang tinapos ang laban sa top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez matapos hindi makausad sa top 3.

Nakaabot din ito sa question and answer portion kung saan si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ang nagtanong sa kanya hinggil sa universal vaccine passport.

Ayon kay Bea, sang-ayon siya na maging mandatory ang passport vaccination kung ito ang makatutulong na mawakasan ang pandemya.

Si Beatrice ay isang military sergeant, model, community development worker at athlete.

Pasok naman sa top 5 si Valeria Ayos  ng Colombia.

Nakasama din sa top 10 sina Puerto Rico, USA , The Bahamas, France, at Aruba.

Samantala, hindi man nakuha ni Beatrice ang korona, isa paring malaking karangalan para sa sambayanang Pilipino ang kanyang naibigay sa bansa.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top