Connect with us

Mining industry, sagot sa matamlay na ekonomiya ng bansa

National News

Mining industry, sagot sa matamlay na ekonomiya ng bansa

Nananawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa pamahalaan na pag-aralan ang muling pagbuhay ng mining industry sa bansa para masolusyunan ang matamlay na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID- 19.

Sa isang privilege speech kamakailan, sinabi ni Barbers na ang pagmimina ang sagot sa economic woes na nararanasan ng bansa.

“It is high time that we take a good look at our mines. This is the only answer to our economic woes”, saad ni Barbers.

Giit ni Barbers, ito ang natitirang solusyon na makakabayad sa utang ang gobyerno para maagapan ang economic crisis dahil sa pandemya.

Aniya, “This is the only source of funding that could pay off all the debts incurred now and stimulate growth in our economy.”

Batay sa 2012 report ng Mines and Geosciences Bureau, tinatayang nasa US$840 billion ang katumbas ng untapped mineral wealth ng bansa.

Ang Pilipinas ang ika- lima sa mga mineral-rich country sa buong mundo na hitik sa gold, nickel, copper, chromite, iron ore, lead at zinc deposits.

Karamihan sa mga mineral-rich area sa bansa ay matatagpuan sa Luzon at mindanao.

Giit ni Barbers, walong taon na ang nakakalipas nang ipalabas ang nabanggit na MGB report at ang presyo ng mga precious metal ay tumataas kada taon.

Dahil diyan, nakikita ni Barbers na kikita ang Pilipinas ng trilyong dolyar sa mining industry.

“And the continuing rise in the worldwide prices of precious metals, particularly gold, makes the value of our untapped minerals increase to trillions of dollars,” sabi ni Barbers.

Sa ngayon giit ni Barbers ay napakataas ng trading price sa ginto o katumbas ng US$2,000 per ounce at ang Pilipinas may million of ounces na gold deposits.

Matatandaan na sa maikling panunungkulan noon ng namayapang si former DENR Secretary Gina Lopez, 26 na mining companies ang ipinasara dahil sa ibat-ibang paglabag.

Kamakailan naman, si ngayo’y Environment Secretary Roy Cimatu ay ipinag-utos ang pagbubukas ng limang minahan na ipinasara noon sa panahon ni Lopez.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

To Top