Connect with us

MGCQ status sa bansa simula Marso, inirekomenda ng NEDA

Isinusulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) na luwagan ang restriksyon sa bansa partikular sa National Capital Region (NCR) sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula  Marso 1.

National News

MGCQ status sa bansa simula Marso, inirekomenda ng NEDA

Isinusulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) na luwagan ang restriksyon sa bansa partikular sa National Capital Region (NCR) sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula  Marso 1.

Sa isang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, naglahad ng kanyang report si Acting NEDA Secretary Karl Kendrick Chua kaugnay ng estado ng ekonomiya ng bansa sabay naglatag ng ilang rekomendasyon.

Ang mungkahi ni Chua na pagluwag sa restriksyon ay upang mapagaan ang tumataas na bilang ng kagutuman at kawalan ng trabaho sa bansa.

Aniya, ” Kailangan po natin mag-shift sana sa lalong madaling panahon to MGCQ for the entire Philippines, sana starting March 1, 2021 para i-address po ‘yung hunger or yung mataas na antas ng mga Filipino po na nagugutom.”

Sa kabila ng mungkahing MGCQ, sinabi ni Chua na maaari namang mag-implementa ang mga Local Government Unit (LGU) ng localized lockdowns para makontrol ang pagkalat ng COVID 19 sa kani-kanilang lokalidad.

“At kung kailangan, gumamit po tayo ng localized lockdowns sa barangay or municipal level to address the spread of the virus.”

Dagdag pa sa inirekomenda ng NEDA ay ang taasan ang kapasidad ng pampublikong  transportasyon sa 50 hanggang 75% para mas marami pang makabalik sa trabaho.

Bukod dito, iminungkahi rin ni Chua na dahan-dahang luwagan din ang age restrictions sa lima hanggang pitong taong gulang na bata ang payagan nang lumabas ng kani-kanilang tahanan.

Kung matatandaan, inihayag ng OCTA research group na malabo pa na luwagan sa MGCQ ang Metro Manila sa Marso.

Giit ng OCTA research, ang pagshift sa MGCQ na siyang pinakamababa sa apat na quarantine levels ay depende sa rollout ng bakuna kontra COVID-19.

 

More in National News

Latest News

To Top