Connect with us

MGCQ status, hindi kailangang ipilit sa Metro Manila – DTI

Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na hindi kailangan ipilit na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa National Capital Region (NCR) kahit gumaganda na ang mga health statistics sa bansa.

National News

MGCQ status, hindi kailangang ipilit sa Metro Manila – DTI

Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na hindi kailangan ipilit na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa National Capital Region (NCR) kahit gumaganda na ang mga health statistics sa bansa.

Sa isang press briefing ipinaliwanag ni  DTI Secretary Ramon Lopez na dahil nakakapagbukas din naman ang maraming sektor kahit nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang NCR.

Sapat na aniya ito para manatili ang Metro Manila sa GCQ hanggang Disyembre, ang mahalaga lang ani Lopez, ay patuloy na nagbubukas ang ekonomiya at marami ang nakakabalik na sa trabaho.

Sa kasalukuyan, 95 % ng mga establisyemento ang pinapayagan nang mag-operate, sa gitna nito, patuloy na hinihikayat ng DTI ang work form home arrangement.

Hinihimok din ng DTI ang pagpapatupad ng iba’t-ibang office hours sa mga kumpanya kung saan nakatakdang maglabas ng ahensya ng memorandum circular para rito.

Sinabi rin ni Lopez na malaki ang naitulong ng lockdown sa kabuuan sa pag-manage ng coronavirus kung saan makikitang ang Pilipinas ang isa sa may pinakamababang fatality rate.

Dahil dito, posibleng pairalin na ang new normal category sa mga lugar na wala masyadong naitalang kaso ng COVID-19 o zero cases, gayunman, ayaw pangunahan ni Sec. Lopez ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung kailan at saan-saan ipatutupad ito.

Pero pagtitiyak ng kalihim, kahit isasailalim sa new normal ang isang lugar ay hindi mawawala ang pagpapairal ng health at safety protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at faceshield.

Samantala, inihayag ng Malakanyang na na-streamline ang rules ng intrazonal and interzonal travel.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na  pinapayagan sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ ang interzonal at intrazonal movement, subject sa regulasyon ng local government unit (LGU).

Idinagdag pa ni Secretary Roque na naglabas ang DTI ng Memorandum Circular No. 20-53 kung saan pinapayagan nang magbukas ng 50% operational capacity ang mga travel agencies, tour operators,  reservation service, at iba pang-related activities sa lugar na nasa GCQ.

Maliban dito, naglabas din ang nasabing ahensya ng memorandum circular na nag-aalis ng quantity limits ng disinfecting alcohol, hand sanitizers, disinfecting liquids at face masks.

Sa kabilang banda, nagsabi ang IATF na huwag isama ang mga manggagawa, mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) at necessary business establishments sa curfew ordinances.

More in National News

To Top