Connect with us

Mga tauhan ng PNP, makikibahagi sa symbolic vaccination

Sasailalim ngayong araw ang 700 PNP personnel sa symbolic vaccination ang Philippine National Police (PNP) matapos dumating ang Sinovac Coronavac vaccines ng China.

National News

Mga tauhan ng PNP, makikibahagi sa symbolic vaccination

Sasailalim ngayong araw ang 700 PNP personnel sa symbolic vaccination ang Philippine National Police (PNP) matapos dumating ang Sinovac Coronavac vaccines ng China.

Isasagawa ang pagbabakuna sa mga kawani ng Pulisya sa PNP General Hospital.

Batay sa panuntunan ng Department of Health(DOH) sa mismong araw ng pagbabakuna dadaan muna ang isang pasyente sa waiting area, sunod ang registration area, counseling, medical screening, upang matiyak na walang iniindang anumang karamadaman bago ito sumailalim sa bakuna, encoding at post-vaccination area.

Ang aktibidad ay pangungunahan nina PNP Chief Police General Debold Sinas, DILG Usec Bernardo Florece, QC Mayor Joy Belmonte at DOH Dir. Aleli Annie Grace Sudiacal.

No description available.

Nauna nang nagpasalamat ang pamunuan ng PNP sa pamahalaan matapos itong nabigyan ng libreng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay  Administrative support for COVID-19 Task Force (ASCOFT) Chief  Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa 10,000 miyembro ang unang listahang isinumite na pababakunahan ng ahensiya pero tanging 700 lang ang inaprubahan ng pamahalaan.

No description available.

Nauna na ring nilinaw ng opisyal na hindi sapilitan ang pagpapabakuna sa pnp pero kasabay nito ang paghikayat na makibahagi sa programa ng pamahalaan upang nakatulong na.manumbalik sa normal ang pamumuhay ng tao

Matatandaang kahapon ay opisyal nang dumating sa bansa ang nasa 600,000 dosis ng sinovac lulan ng chinese military plane

Pinangunahan ni pangulong duterte ang pagsalubong ng shipment ng bakuna

More in National News

Latest News

To Top