Connect with us

Mga suspek na nagnakaw sa mga aso ni Lady Gaga, naaresto na

Mga suspek na nagnakaw sa mga aso ni Lady Gaga, naaresto na

International News

Mga suspek na nagnakaw sa mga aso ni Lady Gaga, naaresto na

Matapos ang ilang buwan, naaresto na ang mga suspek na bumaril sa dog walker ni Lady Gaga at nagnakaw sa kanyang dalawang french bulldogs na sina Gustav at Koji.

 

Sa anunsyo ng Los Angeles Police Department (LAPD), nakakulong na ngayon ang tatlo sa limang suspek na kinilalang sina James Jackson, 18, Jaylin White, 19, at Lafayette Whaley, 27 na sangkot sa kasong robbery at pagbaril sa dog walker na si Ryan Fisher.

 

Maaari namang magpiyansa ang mga ito ng isang $1M bawat isa para sa kanilang kalayaan.

 

Naniwala naman ang LAPD na walang kinalaman kay Lady Gaga bilang celebrity ang krimen dahil ang target ng mga suspek ang mismong mga aso dahil sa mataas na halaga ng breed ng mga ito.

More in International News

Latest News

To Top