Connect with us

Mga Sundalo, planong italaga sa pagpatutupad ng health protocols sa publiko

National News

Mga Sundalo, planong italaga sa pagpatutupad ng health protocols sa publiko

Reresbak para sa pamahalaan ang mga sundalo kung magpapatuloy na hindi susunod sa COVID-19 protocols ang publiko.

Sa naging public address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi nito na ang planong pagtatalaga sa mga sundalo.

Aniya, “But kapag hindi talaga madala and it’s a runaway contagion, mapipilitan ako maggamit ng military kasi talagang kulang ang pulis.”

“Ngayon kung nandiyan ang military to enforce you to obey itong community lockdown, sumunod kayo dahil para sa inyo ‘yan,”pahayag ng pangulo.

Ayon sa Pangulo, kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, mapipilitan itong sumangguni sa mga sundalo para ilagay sa bawat sulok ng komunidad.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na gagamitin ng pamahalaan ang mga sundalo.

Inanunsyo ng pangulo na kung sakaling may vaccine na ang bansa, pangungunahan ng mga sundalo ang pamamahagi para makaiwas sa korapsyon.

 

More in National News

To Top