sundalo SAP cash assistance

Mga sundalo, pinakikilos na rin sa pamimigay ng SAP cash assistance

National News

Inaasahan na magiging bahagi na ang kasundaluhan sa pamimigay ng SAP cash assistance ng pamahalaan.

Ito ay matapos pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na magpatulong sa mga men in uniform sa pamamahagi ng SAP.

Ito ay dahil sa pangamba na makurakot ang SAP funds na nakalaan para sa mga mahihirap na Pilipino.

I had a nightmare, not only an experience on the distribution of the SAP. sabi ko nga nun nakinig naman kayo sa akin; takot ako na baka makurakot ito, takot ako na makatingan ito,” pahayag ng Pangulo sa kanyang televised address.

 Matatandaan na 183 barangay officials ang kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Ito ay dahil sa umano’y korupsyon sa tulong pinansyal mula sa SAP.

 Kaugnay nito ay nais naman ni Pangulong Duterte na an mga babaeng sundalo ang mag-aabot ng pera sa mga nangangailangan dahil sa mas matiyaga at maunawain aniya ang mga ito.