Connect with us

Mga senador, nais ipabida ang tagumpay ng Duterte Admin sa SONA

Dalawang araw na lamang ang hinihintay ng bansa at ilalahad na ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanilang huling ulat sa bayan o ang kaniyang (SONA)

National News

Mga senador, nais ipabida ang tagumpay ng Duterte Admin sa SONA

Dalawang araw na lamang ang hinihintay ng bansa at ilalahad na ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanilang huling ulat sa bayan o ang kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa July 26, araw ng Lunes.

Ayon sa ilang senador, nais nilang ibida ng pangulo ang mga magagandanang naacomplish nito sa loob ng 5 taon na panunungkulan nito.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, pwedeng ipaalala ng pangulo sa taumbayan na sa ilalim ng kaniyang administrasyon ay naisabatas ang Universal Health Care Act (UHC) ang blue print para sa malaking repormang pangkalusugan, ang  Free College Education, ang  Ease of Doing Business Act at ang CREATE.

Ayon pa senador maari ring sabihin ng pangulo ang malaking accomplishement nito sa kaniyang mga infrastructure project sa pamamagitan ng Build, Build, Build (BBB).

Ani Sen. Zubiri, “People would also like to hear about his Build, Build, Build Program, and how far have they completed these infrastructure projects.”

Tulad ni Sen Zubiri, nais rin ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa na ipagmalaki ng pangulo ang narating ng BBB project ng administrasyon.

“I-announce niya yong mga accomplishements ng kaniyang administration lalong lalo na dito sa Build, Build, Build program niya yong iba kasi hindi alam ng ibang taong bayan dapat sabihin niya yan.”

Sinabi naman ni Dela Rosa na isa pa sa mga pinakamalaking nagawa ng pangulo ay pagwasak sa mga laboratoryo ng shabu sa ilalim ng kaniyang War on Drugs.

“Wala ka ng makitang shabu laboratory  dito sa Pilipinas, noong hindi pa pumasok si presidente nagkalat ang mga shabu factory, shabu laboratory sa Pilipinas.”

“May pumapasok na shabu pero atleasrt hindi na kagaya noon, parang candy na lang ang mabibili mo sa tabi ng kalsada,” saad pa nito.

Ang ibang senador tulad nila Senate President Tito Sotto III at Sen. Ping Lacson na may balak na tumakbo sa 2022 election ay nais namang marinig mula sa pangulo ang stand nito sa West Philippine Sea maliban sa kaniyang mga na-accomplish.

Maging ang sitwasyon ng bansa pagdating sa peace and order nito, ang pagsugpo sa korupsiyon, ang lagay ng ekonomiya ng bansa at ang health response nito ngayong may pandemya.

Ani Sen. Ping Lacson, “After five years, where are we now, or what is the situation in the many aspects of his administration such as peace and order, fight against illegal drugs, corruption, economy, and foreign policy, particularly the West Philippine Sea? We want to hear what happened in the last five years — and moving forward for the last year of his administration, what can still be done.”

Saad naman ni Sotto, “I expect him to address and give us an update on his position on the West Philippine Sea, I expect him to make a rundown of the achievements of the infrastructure program, and then the state of the economy and then the state of the health of the country, addressing the pandemic.”

Si Senator Risa Hontiveros na kilalang kontra administrasyon ay nagbigay ng bagsak na grado para sa pangulo.

Halos wala daw kasing nagawa ang Duterte Administration sa loob ng 5 taon.

“Sorry, from 1 to 10, kailangan ko silang bigyan ng 1 in terms of standing up para sa ating pambansang interes sa West Philippine Sea. Unfortunately, malamang, ang overall, ang suma ng pag-grade ko sa kanila, given the health, the economic, at saka yung national sovereignty grades.”

Pero ayon kay Dela Rosa, mas mainam ng huwag makinig sa sasabihin ng taga oposisyon na walang nakikitang mabuti sa ginawa ng presidente.

“Expected naman natin yan sa kanila, ‘yong cannot satisfy those kind of people, sila ‘yong mga tao na puro negative lang yan sila, kaya never mind taking their words.

Denipensahan din ng  liderato ng Senado ang mga naging kakulangan ng nakaupong pangulo.

“I don’t expect naman the President to be able to do 100 percent of all the –but there are many gains as far as the administration is concerned.”

Samantala sa darating na SONA ay inaasahan na 8 mga senador ang personal na dadalo sa Batasang Pambansa sa Lunes.

More in National News

Latest News

To Top