Connect with us

Mga senador nagpupulong na hinggil sa magiging hakbang sa pork importation

Nagkaroon ng bagong outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa 6 na lalawigan sa bansa.

National News

Mga senador nagpupulong na hinggil sa magiging hakbang sa pork importation

Patuloy ang isinasagawang caucus ngayong araw ng mga senador para isapinal ang magiging rekomendasyon o hakbang sa Executive Order (EO) 128 o kautusan para sa pork importation sa gitna ng epekto ng African Swine Fever (ASF).

 

Una nang sinabi ni Senate President Tito Sotto III na magbibigay sila ng counter proposal para sa implementasyon ng naturang EO pagkatapos ng mga ginawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole.

 

Napag-alaman sa huling pagdinig ng senado ay sinabi ng Department of Agriculture (DA) at Department of Finance (DOF) na bukas silang tumanggap ng suhestiyon mula sa mga senador hinggil sa EO.

 

Nais ng mga senador na mula sa 400,000 metric tons na Minimum Access Volume (MAV) ay ibaba ito sa 50% o 200 metric tons.

 

Magiging bahagi din ng pag-uusap sa compromise agreement ng mga senador ay ang isyu sa taripa.

 

Sa ilalim ng EO ay ibinaba sa 5% ang buwis na kung saan ay patuloy itong pinapalagan ng mga senador.

 

Layon ng caucus na magkaroon ng compromise agreement at maiwasang humantong sa komprontasyon sa pagitan ng kongreso at ng executive branch.

 

More in National News

Latest News

To Top