Connect with us

Mga senador, hinamon na magsampa ng kaso vs pamahalaan hinggil sa  overpriced medical supplies

Hinamon ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga senador na magsampa nalamang ng kaso laban sa pamahalaan

National News

Mga senador, hinamon na magsampa ng kaso vs pamahalaan hinggil sa  overpriced medical supplies

Hinamon ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga senador na magsampa nalamang ng kaso laban sa pamahalaan kung may nakita silang irregularidad sa paggasta ng kaban ng bayan.

Ayon kay Medialdea, nasasayang lamang ang oras ng ilang government officials at naiiwanan ang mga trabaho sa COVID-19 response ng pamahalaan dahil lang sa mala-circus na pagdinig nila sa Senado.

Ipinunto pa nito ang tumataas na bilang ng naitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa na kailangang tugunan ng mga key officials kaysa humarap sa Senado.

Sinabihan pa ng kalihim ang ilang senador na ipaubaya na lamang sa mga eskperto ang pag-iimbestiga sa umano’y overpriced na nabiling medical supplies.

Inabisuhan pa ni Medialdea ang Senado na ilaan nalamang sa susunod na eleksyon ang kanilang lakas lalo na at pawang mga espekulasyon lamang ang ipinupukol ng mga senador laban sa pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top