Connect with us

Mga sangkot sa korupsiyon sa PhilHealth, dapat ng masampolan – Sen. Lacson

Isinumite na ng DOJ kay Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Philhealth Task Force hinggil sa anomalyang kinasasangkutan ng (Philhealth).

National News

Mga sangkot sa korupsiyon sa PhilHealth, dapat ng masampolan – Sen. Lacson

Mariingi iginiit ni Senator Panfilo Lacson na hangga’t walang nasasampolan sa mga opisyales ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ay hindi matitigil ang korupsiyon sa loob ng ahensiya.

“Well, talagang dapat may na drastic na remedial measures. Bukod sa structural, kasi systemic yung hinaharap na kurapsyon dito.”

“Pero hanggat walang nakikita yung nasa loob na nakukulong, talagang hindi madadala. Kasi kayang malusutan,”giit ng senador.

Sinabi pa ni Lacson sa naging panayam ng SMNI News, na dapat buwagin ang core group sa loob ng PhilHealth na ugat na ng katiwalian sa mga nagdaang panahon.

Ayon sa senador, “Isa lang ang pwedeng logical conclusion kapag ganoon, systemic at saka may core group na maski magpalit ng liderato, andiyan yung core group na nangangasiwa at alam yung corruption.”

“Ang masama, na kapag yung papasok na president/CEO at yung bagong appoint na board members, kung ma-coop naman sila nung mga sindikato sa loob, walang mababago.”

Ikinatuwa rin ni Lacson ang paglutang ng ilang opisyales sa PhilHealth at sinambulat na ang kanilang nalalamang mga anomalya sa loob ng ahensiya.

Kahapon nang nagbitiw na rin sa pwesto si PhilHealth Senior Vice President for Operations at Retired General/Dr. Augustus de Villa.

Tiniyak naman ni de Villa na bukas siya sa ginagawang imbestigasyon sa naturang ahensiya.

More in National News

To Top