Connect with us

Mga requirement ng LGU at mahal na bayad sa COVID test, sagabal sa tourism industry –DOT

Sagabal kung maituturing para sa mga biyahero ang iba't-ibang requirement ng Local Government Units(LGU) maging ang halaga ng babayaran sa COVID-19 test.

National News

Mga requirement ng LGU at mahal na bayad sa COVID test, sagabal sa tourism industry –DOT

Sagabal kung maituturing para sa mga biyahero ang iba’t-ibang requirement ng Local Government Units(LGU) maging ang halaga ng babayaran sa COVID-19 test.

Ito ang inilahad ng Department of Tourism(DOT) batay sa kanilang survey.

Sa laging handa public briefing sinabi ni DOT Undersecretary Benito Bengzon Jr. na isa roon sa tinanong nila sa respondents kung ano ang nakikita nilang inconvenience sa pagbabiyahe.

Sa resulta ng survey, lumalabas na ang numero unong dahilan na binanggit ng mga tao ay ‘yung iba’t-ibang requirement ng local government units kung saan 81% ng mga respondents ang nagsabi na ito ang pinaka-incovenient.

Mababatid na isinagawa ng DOT ang survey sa mahigit 7,000 respondents.

Dagdag pa ni Bengzon, 68% naman ng respondents ay nagsabi rin na malaking isyu sa kanila ang halaga ng babayaran ng COVID-19 testing.

Kasunod nito, nakipag ugnayan ang DOT sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan sinu-subsidize ng 50% ang cost ng RT PCR test.

Dahil dito, lumalabas na ₱900 na lamang ang babayaran sa pagpapa-test.

Maliban dito, nakikipag-partner din ang DOT sa Philippine Children’s Medical Center kung saan 50% din ang subsidiya at magiging ₱750 na lang halaga ng covid testing.

Ani Usec. Bengzon, “Nag-umpisa na itong (testing) subsidy. Siguro ang beneficiaries namin in partnership with PGH siguro mahigit 12,000 na. Sa partnership sa PCMC, ganoon din kadami, 11,000 to 12,000.”

Samantala, nirerespeto ng DOT ang desisyon ng lokal na pamahalaan ng CEBU sa pag-alis ng swab test requirement.

Giit ni Bengzon, ang mahalaga lamang dito ay tiyaking nasusunod ang health protocols na kailangang ligtas ang mga turista at tourism frontliners.

Ang mga nabanggit na hakbang ay ginawa ng kagawaran ng turismo para ma-engganyo ang mga local tourists na umikot at suportahan ang domestic tourism efforts ng DOT.

Una nang nagbigay utos si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na gawing mas simple ang travel requirements sa local destinations sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top