Mga pulis na sumuway sa checkpoint protocol sa Baguio City, sinibak ni NCRPO chief Sinas

National News

Tinanggal na sa pwesto ang limang pulis ng San Juan City na sumuway sa checkpoint protocols sa Baguio City kamakailan.

Ayon kay Metro Manila Police chief Major General Debold Sinas, ipinagutos niya epektibo kahapon ang paglipat sa limang pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng NCRPO in Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City habang iniimbestigahan ang mga ito kaugnay sa nagawang paglabag.

Batay sa pahayag ni Mayor Benjamin Magalong, noong June 5 Biyernes, alas-3 ng hapon nang pumasok sa Baguio City ang grupo ni San Juan Mayor Francis Zamora.

Ngunit imbes na sumunod sa safety protocol na ipinatutupad ng lungsod ay binalewala lang ng mga ito ang ang border control checkpoint sa bahagi ng Kennon road.

Kaugnay nito ay mahigpit ng iimbestigahan ng Regional Internal Affairs Service-NCR sa pakikipagugnayan sa RIAS PRO-COR ang nasabing insidente.

Mahigpit namang inihayag ni mgen sinas na hindi niya kokonsintehin ang mga maling gawa ng mga pulis kaugnay sa ipinapatupad na community quarantine protocols.