Connect with us

Mga pulis na sangkot sa PNP-PDEA ‘misencounter’, muling humarap sa NBI

Humarap muli sa NBI Muling humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na sangkot sa nangyaring 'misencounter' ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.

National News

Mga pulis na sangkot sa PNP-PDEA ‘misencounter’, muling humarap sa NBI

Humarap muli sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na sangkot sa nangyaring ‘misencounter’ ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.

Mula 11 pulis na unang pumunta kahapon, 22 miyembro na ng QCPD ang humarap sa NBI ngayon.

Matatandaang hindi natuloy sa pagsalaysay ng kanilang partisipasyon kaugnay sa naganap na shootout ang mga pulis dahil hindi dumalo ang kanilang abogado.

Naisumite naman kahapon ng PNP sa kustodiya ng NBI ang mga nakuha nitong ebidensya kabilang na ang mga baril, sasakyan, cellphone, at iba pang mga ebidensya na naproseso ng PNP crime lab, pati ang boodle money na una ng naireport na nawawala.

Kamakailan lang ay ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda sanang imbestigasyon ng PNP at PDEA matapos ipinag-utos ng presidente na tangging NBI ang mag-iimbestiga sa nasabing insidente.

More in National News

Latest News

To Top