Connect with us

Mga public servant, dapat sumunod sa ethical standards – Gatchalian

Mga public servant, dapat sumunod sa ethical standards - Gatchalian

National News

Mga public servant, dapat sumunod sa ethical standards – Gatchalian

Lahat ng public servant o lingkod bayan ay dapat sumunod sa lahat ng ethical standards.

Ito ang paalala ni Senador Win Gatchalian matapos ang isang insidente sa budget deliberations ng Senado na kung saan ay isang opisyal mula sa Apo Production Unit ang diumano’y nakitang umiinom ng alak habang dumadalo ng virtual session noong nakaraang Lunes, Nov. 23.

Kasong administratibo at pagdidisiplina naman ang posibleng ipapataw sa mga lingkod bayan na hindi sumusunod sa ethical standards na itinakda ng gobyerno.

Ang Apo Unit Production ay nasa ilalim ng pamamahala ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Gatchalian, mahigpit ang tagubilin ng civil service commission sa pagbabawal sa pag-inom ng mga empleyado ng gobyerno sa opisina.

Dagdag pa nito na ang pagiging propesyonal ay isa sa 8 pamantayan ng pag-uugali na dapat ipinapamalas ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Ayon sa senador ay suspensyon o pagkakatanggal sa sebisyo ang maaaring kaparusahan sa mga lumalabag sa ethical standards ng pamahalaan.

Kasunod naman ng insidente ay nagpalabas na si PCOO Secretary Martin Andanar ng show cause order laban sa sales and marketing manager ng Apo Production Unit na si Dominic Tajon.

Ayon kay Andanar, hindi nito palalampasin ang naging insidente lalo pa’t kung lalabas sa kanilang imbestigasyon na talagang uminom ito ng alak sa sesyon gaya ng inireport ng Senate Sgt of Arms sa mga senador.

Una namang nagbigay ng kaniyang panig si Tajon at itinanggi na alak ang iniinom nito kungdi soda.

Bukod sa umanoy pag-inom ng alak, naging issue din sa mga senador ang paalis-alis ng Apo official sa kanyang puwesto habang ginagawa ang zoom session.

More in National News

Latest News

To Top