Connect with us

Mga pribadong ospital, nananawagan ng karagdagang healthcare workers

Patuloy ang panawagan ng ilang grupo ng pribadong ospital sa pamahalaan para sa karagdagang healthcare workers ngayon patuloy ang pagtaas ng kaso

National News

Mga pribadong ospital, nananawagan ng karagdagang healthcare workers

Patuloy ang panawagan ng ilang grupo ng pribadong ospital sa pamahalaan para sa karagdagang healthcare workers ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines, bagaman sumasapat pa ang bed allocation para sa mga COVID-19 patients ay kulang na kulang naman ang health care workers na kinakailangan upang matugunan ang dami ng mga ito.

Giit ng grupo, limitado ang mga HCW ngayong marami na rin sa mga ito ang tinataaman ng virus at pahirapan pa ang pagkuha ng karagdagang healthcare workers .

Kaya naman, umaasa aniya sila magkakaroon ng augmentation personnel mula sa gobyerno.

Ani ng grupo, kahit anong assistance mula sa pamahalaan at malaki ang maitutulong sa kanilang pagbibigay ng serbisyo.

Nauna nang inihayag ng Department of Health(DOH) na nasa critical level na o halos 100% ang kondisyon ng mga ospital sa Metro Manila.

Pinayuhan naman ng PHAP ang publiko na huwag basta-basta magtungo sa mga ospital oras na makaranas ng sintomas ng COVID-19.

Abiso ng grupo, mas mainam kung makikipag-ugnayan muna sa barangay emergency response team upang mas mapadali ang koordinasyon para sa susunod na gagawing hakbang.

Paliwanag ng hospital group ito ay upang hindi na kinakailangan pang maghintay sa emergency room ang mga pasyente at makipagsiksikan sa ospital.

Dagdag pa nito, tanging mga moderate at severe cases din naman lamang ang tatanggapin para sa hospital accomodation.

Layon ng hakbang na matugunan ang congestion sa mga ospital at matutukan ang mga pasyenteng mayroon malalang sintomas.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa mahigit 803,000 ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong ng COVID-19 cases sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top