Connect with us

Mga Pinoy sa Lebanon, nakararanas ng trauma matapos ang pagsabog sa Beirut

Matinding trauma pa rin ang nararanasan ng mga Overseas Filipino Workers na nasa Beirut, Lebanon matapos ang nangyaring pagsabog.

National News

Mga Pinoy sa Lebanon, nakararanas ng trauma matapos ang pagsabog sa Beirut

Matinding trauma pa rin ang nararanasan ng mga Overseas Filipino Workers na nasa Beirut, Lebanon matapos ang nangyaring pagsabog.

Sa panayam Sonshineradio sa isang OFW na si Chanfrie Palma na nasa Lebanon, sinabing halos lahat ng mga Pinoy workers doon ay gusto nang umuwi pabalik ng Pilipinas.

Trauma at kabog  pa rin sa dibdib ang kanilang nararanasan bawat araw.

Kahit si Chanfrie ay laking pasasalamat sa diyos dahil kahit wasak na ang bahay ng kanyang amo sa Beirut nang dahil sa pagsabog ay ligtas sya dahil wala sila doon noong nangyari ang insidente.

Kabilang naman si Chanfrie sa libo-libong mga OFW ang  humihingi ng tulong sa pamahalaan na makauwi sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng  Department of Foreign Affairs na ngayong darating na  Agosto 16 ay darating na sa bansa ang tinatayang nasa 400 OFWs mula Lebanon.

Kabilang na ang mga labi ng 4 na Pinoy na nasawi sa Beirut blast.

Sa huling tala, nasa 47 na ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nasugatan sa pagsabog sa beirut matapos madagdagan ng Lima pang nasugatan.

Nilinaw naman ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na hindi naman delikado ang lagay ng mga Pilipinong nasugatan sa pagsabog.

Patuloy naman na tinututukan ng Philippine Embassy sa Beirut ang kalagayan ng mga nasugatang OFWs.

Samantala, sa panayam ng aming himpilan kay OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac.

Sinabing gagawin nila ang lahat ng paraan para mapauwi ang mga Pilipinong nasa lebanon.

Dagdag pa ni Cacdac, kung hindi rin sasagutin ng mga employer ng mga OFW ang kanilang gastusin sa  pagpapauwi ,ang gobyerno na ang magpapauwi at gagastus sa kanilang pag-uwi.

Bukod aniya sa documented kahit ang mga undocumented Pilipino  ay nakahanda rin aniyang  tulungan ng Philippine government para sa kanilang repatriation.

More in National News

To Top