Diamond Princess Cruise Ship

Mga pinoy sa Diamond Princess Cruise Ship na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan pa

National News

Nasa  35 na ang kabuang bilang ng mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine na Diamond Princess Cruise Ship sa Yokohama, Japan ang nag-positibo sa Coronavirus Diseases (COVID-19).

Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs matapos na magpositibo na rin ang 8 iba pang Filipino pinoy crew ng barko.

Nasa ospital na rin sa Japan ang naturang mga pinoy habang regular naman ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa mga Pilipinong naka-confine para matiyak na natutugunan ang kanilang mga pangangailangan doon.

Samantala, ngayong araw ay nakatakdang maglabas ang Japanese government ng disembarkation procedures sa pagtatapos quarantine period sa mga pasaherong sakay ng cruise ship.