Mga Pinoy na nagpositibo

Mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa, nasa 9,165 na

National News

Nasa 9,304 na ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Deparment of Foreign Affairs (DFA) ng 29 na bagong kaso sa Middle East/Africa at Asia Pacific Region ngayong araw.

Sa datos ng DFA, sa kabuuang bilang ng confirmed cases, 3,231 ang patuloy na nagpapagamot.

10 naman ang nadagdag sa mga gumaling kung kaya’t umabot na 5,420 ang mga gumaling habang nanatili sa 653 ang mga bilang ng mga nasawi.

Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East/Africa na nakapatala ng 6,635 na kaso.

Sinundan ito ng Europe na may 1,091 OFWs na may COVID-19; Asia Pacific Region na may 873 cases habang 705 na kaso naman sa Amerika.