Connect with us

Mga Pilipino, matured na sa pagpili ng kanilang magiging pinuno -Political analyst

Mas matured na ang publiko sa pagpili ng mga pinuno.Ito ang napansin ni University of the Philippines Political Professor Clarita Carlos

National News

Mga Pilipino, matured na sa pagpili ng kanilang magiging pinuno -Political analyst

Mas matured na ang publiko sa pagpili ng mga pinuno.

Ito ang napansin ni University of the Philippines Political Professor Clarita Carlos sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Carlos, dahilan din kung bakit mas gusto ng publiko ang estilo ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil marami na itong magandang accomplishments at nagawa para sa bansa.

Ani Carlos, “Bago naman si Duterte naging presidente ay more than 20 years siya na mayor (Davao City). Pag-ikaw palaging narere-elect ng more than 20 years, siguro may ginagawa kang mabuti. Ganun din siguro yung anak niyang si Sarah Duterte. Accomplishments, yung kanilang ginawa, yun siguro ang sagot.”

Subalit ang suhestiyon lang ni Carlos, walang kwenta ang pagiging matured ng publiko sa pamimili ng pinuno kung hindi rin mabago ang sistema ng ating gobyerno.

“Sana yung increasing maturity ay sabayan natin ng pagpapalit ng sistema. Kung presidential pa din ang system natin, ganyan pa din ang mangyayari. Parliamentary system kasi, ang political party talaga yung main actors diyan. So pag hindi nila dinisiplina yung kanilang mga myembro, sila ay maki-kick out. Talagang pag-isipan nating mabuti yung constitutional reform kasi kung hindi, we’ll have more of the same (thing).”

Matatandaang nagtataka si Vice President Leni Robredo kung bakit marami sa mga Pilipino ang nagugustuhan ang pamumuno ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top