Connect with us

Mga petisyoner sa Anti-terror law, kulang sa pag-aaral – CSTP

Pinabulaanan ng Coalition for Security Towards Peace (CSTP) ang akusasyon ng mga maka-kaliwang grupo na hindi kinonsulta ng author ng Anti-terror law ang iba’t ibang sektor sa bansa bago ipinasa.

National News

Mga petisyoner sa Anti-terror law, kulang sa pag-aaral – CSTP

Pinabulaanan ng Coalition for Security Towards Peace (CSTP) ang akusasyon ng mga maka-kaliwang grupo na hindi kinonsulta ng author ng Anti-terror law ang iba’t ibang sektor sa bansa bago ipinasa.

Ayon kay Atty. Frederick Mikhail “Spocky” I. Farolan, ang lead convener and executive director, ng CSTP,“Kami po ang isa sa pinaka-aktibo na tumulong sa pagsulat ng batas na ‘yan, mula sa mga tanggapan ng mga senador at congressmen mula blanko, mula sa isang empty paper hanggang maipasa siya sa batas.”

Dagdag pa nito, sa ngayon, nakikipag-uganayan ang CSTP sa iba’t ibang sektor upang ipaunawa ang nakasaad sa nasabing batas.

Hindi convincing rin aniya ang mga pahayag ng mga abugado ng mga petitioner ng Anti-terror law.

Aniya, may kakulangan ang mga ito sa pananaliksik.

“As a lawyer, I found their performance very disappointing. Makikita po natin ,may kakulangan sa pag-aaral, sa pagsasaliksik.  Ginamit pa rin nila ang mga retorika na ginagamit nila ng pang-rally. Palagay ko, akala yata nila, gano’n din sa loob ng Korte Suprema.”

Dagdag pa ni Atty. Farolan, ang Korte Suprema ay hindi madala sa emosyon kundi nakabase sa mga totoong mga pangyayari sa bansa.

Maaalala na ginanap ang pinakaunang oral arguments sa Anti-terror law sa Korte Suprema noong ika-2 ng Pebrero na dinaluhan ng mga abogado ng mga petisyoner.

More in National News

Latest News

To Top