Connect with us

Mga panukalang batas laban sa korupsiyon, prayoridad ngayon ng Kamara

Lusot na sa dalawang komite sa Kamara ang panukalang batas na magpapaliban sa contribution hike sa SSS at PhilHealth ngayong taon.

National News

Mga panukalang batas laban sa korupsiyon, prayoridad ngayon ng Kamara

Nangako ang liderato ng Kamara na mamadaliin nila sa pagbabalik sesyon ang pagpapatibay sa mga anti-corruption measures upang tulungan na palakasin ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Tiniyak ito ng House of Representatives oras na magbukas muli ang sesyon ng kongreso ngayong Nobyembre matapos ang mahigit isang buwang recess.

Ito ay bilang tugon narin sa bagong mandato ni Pangulong Duterte na magkaroon ng total crackdown laban sa korupsiyon sa lahat ng sangay at tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay House Majority Floor Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, aksyunan nila agad ang lahat ng mga panukala na may kaugnayan sa anti-red tape at anti-corruption campaign ng administrasyon.

“In an effort to further the President’s advocacy against corruption, the House of Representatives would work harder to fast-track the approval of all pending measures related to anti-red tape and anti-corruption campaign of the Duterte administration,” saad ni Romualdez.

Katunayan, naipasa na sa third and final reading ang HB 7884 o ang anti-red tape bill na magbibigay ng sapat na kapangyarihan sa Pangulo na malabanan ang lahat ng uri ng katiwalian sa bansa.

Sina Romualdez at House Speaker Lord Allan Velasco ang pangunahing may akda ng panukala na sinuportahan ng mayorya sa Kamara.

Layon ng panukala na mapaiksi ang processing time ng mga permit, dokumento, certification at authorization sa pamahalaan.

Nakasailalim din sa nabanggit na panukala na mapababa ang transaction cost kasabay ng pagpapanatili sa transparency.

Isinusulong din nito na gawing simple ang requirements at pakikipagnegosasyon sa gobyerno na kayang maintindihan ng lahat.

“One of the strategic measures is to reduce transaction costs in all government agencies and provide an efficient delivery of its services while maintaining integrity and accountability in government service.”

Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan si Speaker Velasco na paimbestigahan ang mga kongresista na madadawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways o DPWH.

Ito ay matapos banggitin kamakailan ni PACC Commissioner Greco Belgica na may mga kongresista ang umanoy kasabwat ng ilang mga kontraktor ng DPWH.

Ayon kay Velasco, buo ang kanilang suporta sa direktiba ng Pangulo laban sa malawakang korapsyon sa buong pamahalaan.

Batid din aniya nito na ipinalabas ng Pangulo ang direktiba kasunod ng pag-atake sa mga kongresista na umano’y nasasangkot sa korapsyon sa DPWH.

“We fully understand that the President is doing this out of his frustration over chronic corruption in government, and the House leadership is one with him in his desire to rid the bureaucracy of corrupt officials and employees in the remainder of his term,” angnaging pahayag ni Velasco.

Sa kabila niyan ay naiintindihan naman nila sa Kamara ang pinanghuhugutan ng galit ng pangulo at ang pagnanais nito na buwagin ang beaukrasiya sa gobyerno.

Pero para kay Velasco, mas mabuti na ibang ahensya ang mag-imbestiga sa kanila sa kamara para hindi lalabas na self serving kung sila ang magsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang mga sarili.

“While we are saddened that some congressmen and the institution have been dragged into this controversy, we welcome such probe by any government agency, as an investigation by the House would be self-serving and would only create a cloud of doubt,” dagdag pa ng House Speaker.

 

More in National News

Latest News

To Top