Connect with us

Mga pangako ni Sen. Pacquiao sa mga Pilipino, suntok sa buwan – Pastor ACQ

Nais palinawan ni Rev. Dr. Apollo C. Quiboloy ang pangalan ni Senador Manny Pacquiao hinggil sa MERS investment scheme.

National News

Mga pangako ni Sen. Pacquiao sa mga Pilipino, suntok sa buwan – Pastor ACQ

Itinuturing ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na isang demagogue si Senator Manny Pacquiao.

Ito ay dahil sa sunod-sunod nitong paglalahad ng kaniyang mga ambisyon sa mga Pilipino sakaling magiging pangulo ito ng bansa na mahirap namang maabot ayon kay Pastor Apollo.

Matatandaan na sa mga pahayag ni Pacquaio, malilipol aniya ang kurapsiyon at  squatter area sakaling malalagay ito pinakamataas na posisyon sa bansa.

Napag-alaman na nais din ngayon ni Pacquaio na magtayo ng mega prison para sa mga kurap sa gobyerno ngunit sinabi ng butihing pastor na ang senador ang maaring unang ipasok sa mega prison na inaambisyon nito para sa mga tiwali.

Ipinunto pa ng butihing pastor na isang uri ng korupsiyon ang ginawang railroading ni Pacquiao para makakuha ng bogus na diploma mula sa University of Makati para sa kursong political science sa loob ng tatlong buwan.

Sinabi pa ni Pastor Apollo na ang mga katangian ng mga dapat maging presidente at uupo sa mga posisyon sa bansa katulad ng mga cabinet secretaries na marami ng accomplishments at ilan pang matatapang na personalidad na lumalaban para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Samantala, idiin naman ni Pastor Apollo na bago maupo si Pang. Rodrigo Duterte sa pwesto ay hindi niya ito napakinggan ng matatamis na pangako para sa mga Pilipino pero sakabila nito ay marami aniyang naging accomplishement para sa lahat ng mga Pilipino.

 

More in National News

Latest News

To Top