Connect with us

Mga pampasabog, nahukay ng militar sa isang barangay sa General Nakar, Quezon

Makaraang ituro ng mga dating rebeldeng sumuko sa pamahalaan ay nahukay ng militar ang mga bomba, baril at mga bala ng New Peoples Army

National News

Mga pampasabog, nahukay ng militar sa isang barangay sa General Nakar, Quezon

Makaraang ituro ng mga dating rebeldeng sumuko sa pamahalaan ay nahukay ng militar ang mga bomba, baril at mga bala ng New Peoples Army sa Sitio Madaraki, Barangay Umiray, Heneral Nakar Quezon.

Ayon kay Lt/Col. Danilo Escandor ng 1st infantry battalion ng Philippine Army kabilang sa mga nasamsam ng militar ang 15 anti-tank mines, 20 anti personnel mines, 340 bala ng caliber 30 at bandila ng teroristang grupo.

Natagpuan ang nasabing mga armas makaraang ituro ng mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan kamakailan.

Ayon sa mga ito naawa sila sa mga nabibiktima ng improvised explosive device na walang awang papatay sa mga otoridad at mga sibilyan katulad ng nangyari kay Keith Absalon sa Masbate noong Hunyo.

Ang pagkakatuklas dito ay resulta ng pinaigting na kampanya ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed conflict sa lugar.

More in National News

Latest News

To Top