Connect with us

Mga organ ni Christine na sinuri ng PNP, nais ipa-DNA test ng pamilya Dacera

Duda ang pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera sa inilabas na medico legal report ng Philippine National Police ukol sa pagkamatay nito.

National News

Mga organ ni Christine na sinuri ng PNP, nais ipa-DNA test ng pamilya Dacera

Duda ang pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera sa inilabas na medico legal report ng Philippine National Police ukol sa pagkamatay nito.

Sa press conference, iginiit ng kampo ni Dacera na masyado pang bata si Christine na may 23-anyos para magkaroon ng enlargment of the heart.

Dahil dito, nais isailalim sa DNA testing ang lahat ng organ na sinuri ng PNP para matiyak na mula ito sa katawan ng flight attendant.

Ayon sa tapagsalita ng pamilya na si Atty. Brix Reyes, handa ang kampo ng mga Dacera na ipahukay ang katawan ng biktima sa General Santos City para maikumpara sa DNA samples ng mga internal organs nito.

Ayon kay Reyes, nakalilito at nakakaduda ang resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ng dalaga.

Diin nito na hindi tinatanggap ng pamilya ang resulta ng imbestigasyon na natural death ang dahilan ng pagkamatay ni Christine dahil malinaw aniya na may naganap na rape dito.

Nais din nilang makakuha ng kopya ng CCTV footage ng City Garden Grand Hotel sa Makati tatlong araw bago at pagkatapos ng pagkamatay ni Dacera.

Para sa pamilya, may cover-up sa insidente dahil dapat hindi na inilabas sa hotel ang bangkay ng biktima at dapat PNP- SOCO ang unang tinawag sa crime scene.

More in National News

Latest News

To Top