Connect with us

Mga opisyal ng Pharmally, halatang ginagamit lang sa pamumulitika – Atty. Topacio

Mga opisyal ng Pharmally, halatang ginagamit lang sa pamumulitika- Atty. Topacio

National News

Mga opisyal ng Pharmally, halatang ginagamit lang sa pamumulitika – Atty. Topacio

Puro daldal lang ang paratang ng mga senador kay Twinkle Dargani ng Pharmally.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng Pharmally Pharmaceutical Corp. sa panayam ng Sonshine Radio, hindi dapat na ma-detain si Twinkle.

Matatandaang ipinakulong ng Senado si Twinkle at ang kanyang kapatid na si Mohit dahil sa hindi pagsusumite umano ng financial documents ng Pharmally.

Dagdag pa ni Topacio, minalas ang magkapatid na Dargani maging si Linconn Ong dahil nataong panahon na ng kampanyahan ang kanilang imbestigasyon.

Halatang ginagamit lang ang mga ito sa pamumulitika.

Pahirap din sa imbestigasyon ang kasalukuyang pandemya dahil sarado ang mga hukuman.

Ngayon ay pinalaya na si Twinkle subalit may restriksyon pang ipinapataw sa kanya si Sen. Richard Gordon, ang siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Muli namang sinabi ni Atty. Topacio na walang due process na nangyayari sa Senado dahil kapag hindi nagustuhan ng mga senador ang sinasabi ng isang resource person ay agarang ipapakulong ang mga ito.

More in National News

Latest News

To Top