Connect with us

Mga OFW, nakararanas ng takot at trauma dahil sa tumitinding tensyon sa Israel

Mga OFW, nakararanas ng takot at trauma dahil sa tumitinding tensyon sa Israel

International News

Mga OFW, nakararanas ng takot at trauma dahil sa tumitinding tensyon sa Israel

Nakakaramdam ng trauma ,takot ,stress at pangamba ang karamihan sa mga kababayan Pinoy sa Israel partikular na sa mga lugar na madalas na pinangyayarihan ng rocket attacks.

Ayon kay Kian Carl, isang caregiver sa Israel, ngayon lang siya nakararanas ng takot at sobrang pangamba dulot ng sunod-sunod na rocket attacks na nararanasan nila sa Ashdod.

Kuwento pa nito, kahit ang kanyang employer na sanay na sa mga naturang rockets attacts sa Israel ay nakaramdam na rin ito ng takot.

Kayat agad nagdesisyon ang kanyang employer na lumikas sila sa Ashdod ng araw ng Miyerkules dahil naniniwala ang kanyang matandang amo na maari pang magtagal ang tensyon sa kanilang lugar.

Una na rin sinabi ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Israel na mayroon 100 mga pilipino ang dapat na ilikas sa Ashdod,Ashkelon at Gaza.

Wala pa namang naiulat na mga Pilipino ang nadamay o nasugatan sa nagpapatuloy na tensyon sa Israel.

More in International News

Latest News

To Top