8 dating rebelde, tumanggap ng financial assistance mula sa gobyerno

Mga NPA,  kasali sa pababakunahan ni Pangulong Duterte laban sa COVID-19

National News

Kasali ang mga New Peoples Army (NPA) sa pababakunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa COVID-19.

Sa naging public briefing nito sa Malacañang kagabi, sinabi niya na hangga’t walang gagawing masama ang mga makakaliwang grupo ay maari itong makapag-avail ng COVID-19 vaccine.

Ani Pangulong Duterte, walang problema aniya kahit pa iaanunsyo nito na miyembro ito ng New People’s Army (NPA).

Hindi man aniya minsan karapat-dapat ang mga ito pero sa ngalan ng pagiging Pilipino, ay handang tumulong ang pangulo.

Binabalaan lang ni Duterte ang mga makakaliwang grupo na kung galawin nito ang mga sundalo at iba pang frontliners sa kasagsagan ng pandemya, ay tiyak aniyang may hindi magandang mangyari sa pagitan ng pamahalaan at mga leftists.

Samantala, sa ngayon ay wala pang tiyak na araw kung kailan magkakaroon ng vaccine sa nasabing virus.