Connect with us

Mga nais maging pulis, dapat isailalim sa Psychological review

Dapat isailalim sa masusing review o  psychological exam ng Philippine National Police (PNP)  ang mga nais maging pulis.

National News

Mga nais maging pulis, dapat isailalim sa Psychological review

Dapat isailalim sa masusing psychological review ng Philippine National Police (PNP)  ang mga nais maging pulis.

Ito ang inihayag ni Taguig Pateros Representative Alan Peter Cayetano matapos ang kagimbal-gimbal na nagyari sa mag-ina sa Tarlac kung saan pinagbabaril sila ng malapitan ng kapitbahay nilang pulis.

Kaugnay nito,nanawagan naman si Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun sa Department of Justice at sa National Bureau of Investigation na i-take over ang kaso.

Ayon kay Fortun, “The Philippine National Police should waive custody and jurisdiction over the police officer. These moves would be prudent and legal. The investigation must be swift. Criminal charges in court must be urgently filed.”

Paliwanag ni Fortun, dahil matindi ang galit ng publiko sa ginawang pamamaril, hindi aniya maganda na manatili sa PNP, Napolcom o sa DILG ang pangangalaga sa suspek.

Dagdag pa niya, “Given the intensity of the public outrage over the brutal double murder, it would not be wise for the PNP, Napolcom, or DILG to retain custody and jurisdiction over Cpl. Jonel Nuezca because the level of distrust in the PNP now is too high.”

Samantala, hiniling naman ni House Speaker Lord Allan Velasco sa PNP na paalalahanan ang kanilang mga pulis sa responsableng paggamit ng armas.

Ayon kay Velasco, “The incident also highlights the need for the leadership of the Philippine National Police to remind its ranks on the proper and responsible use of their weapons and that they should, as much as possible, apply non-violent means at all times.”

Dapat din aniyang maitatak sa isipan ng mga police officer na “last resort” ang paggamit ng pwersa at kanilang service firearms kung talagang kinakailangan.

“Police officers must be reminded that force and firearms may only be used if other means remain ineffective or without any promise of achieving the intended result.”

Hinamon naman ni Davao del Norte, 1st District Pantaleon Alvarez si PNP Chief Police General Debold Sinas na magresign sa puwesto kung hindi maaaksyunan ang ginawa ng kaniyang kabaro.

Ayon kay Alvarez, command responsibility ng PNP Chief ang kaso dahil pulis ang suspek kaya dapat itong maaksyunan sa lalong madaling panahon.

“Failure of leadership is not acceptable. Lives are at risk. The credibility of the police force is in ruins. Reform the PNP or resign,” ani Rep. Pantaleon Alvarez.

More in National News

Latest News

To Top