Connect with us

Mga naapektuhan ng Bagyong Maring, higit 21,000 na

Sumampa na sa 21,511 indibidwal o 6,111 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Maring.

National News

Mga naapektuhan ng Bagyong Maring, higit 21,000 na

Sumampa na sa 21,511 indibidwal o 6,111 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Maring.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan 5,852 indibidwal o 1,513 pamilya ang pansamantalang sumisilong sa evacuation centers.

Habang 237 barangay ang apektado sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Caraga, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa 109 bahay ang napinsala sa Central Luzon, Mimaropa, Caraga, at CAR kung saan 54 ang bahagyang nasira at 55 ang tuluyang nasira.

Samantala, 493.8 milyong piso ang halaga ng pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura.

More in National News

Latest News

To Top