Connect with us

Mga mambabatas, dapat unahin ang kapakanan ng  taumbayan

Nilinaw ni Senator Christopher Bong Go na ayaw niyang makialam sa internal affairs ng House of Representatives tulad ng pagpili sa Speaker ng Kamara.

National News

Mga mambabatas, dapat unahin ang kapakanan ng  taumbayan

Nilinaw ni Senator Christopher Bong Go na ayaw niyang makialam sa internal affairs ng House of Representatives tulad ng pagpili sa Speaker ng Kamara.

Sinabi ni Go na tanging pakiusap lang niya  ay unahin ng mga kapwa mambabatas ang  kapakanan ng taumbayan na nagluklok sa kanila sa puwesto.

Ayon kay Go, dapat isantabi ang pansariling ambisyon at sa halip ay gampanan ang trabaho bilang mambabatas alang-alang sa kinabukasan ng mga mamamayang Pilipino.

Dagdag pa ni Go na nakasalalay sa budget  ang buhay ng  mga Pilipino para sa susunod na taon.

Sinabi ni Go na huwag na sanang hintayin ng mga mambabatas na si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang magresolba ng mga isyu.

Samantala, nakausap na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Velasco at Cayetano ngayong hapon.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, pumayag na sina Velasco at Cayetano na magtutulungan upang matiyak ang timely passage ng 2021 national budget sa Kamara.

Maging ang pagpasa sa iba pang priority legislation ng Administrasyong Duterte.

More in National News

To Top