Tanging mga low floor bus nalang ang papayagan na bumiyahe sa kahabaan ng EDSA ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Mga low floor bus, prayoridad sa EDSA ayon sa DOTr

Metro News National News

Tanging mga low floor bus nalang ang papayagan na bumiyahe sa kahabaan ng EDSA ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ito’y isa lamang sa mga hakbang ng pamahalaan habang until-unting pinupunan ang kakulangan ng mga nasasakupan ng mga komyuter sa daan partikular na sa EDSA.

Punto ng DOTr, ang ganitong klase ng mga bus (low floor bus) ay makatutulong sa mga mananakay na may kapansanan o Persons With Disabilities (PWDs) at mga matatanda.

Pero dahil mahalaga din ang kaligtasan ng mga mananakay, nakalinya na ito sa new normal na sistema ng transportasyon sa kalakhang Maynila.

Nilinaw din ng DOTr na hindi nito papayagan ang lahat ng mga low floor bus units kung sa ringing nito’y alanganin sa siguridad ng mga komyuter.

Matatandaan na sinimulan agad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong buwan ng Hunyo ang paglalagay ng concrete barriers sa inner most lane sa EDSA para bigyang daan ang paggawa ng panibagong loading at unloading area sa ilalim ng new normal ng transportasyon.

Kasabay nito, ang babala ng DOTr  sa publiko na huwag maging kampante sa paunti-unti na pagluwag ng pamahalaan sa transportasyon dahil dapat maisaalang-alang pa rin anila ang usapin sa kalusugan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, nagsagawa ng occular inspection ang pamunuan ng MMDA kasama ang mga kinatawan ng House Committee on Transportation at DOTr upang suriin ang kahandaan ng mga itinatayong pasilidad sa kahabaan ng EDSA para sa opisyal na operasyon ng mga city bus sa Metro Manila.

Sa ngayon, tinatayang 90 bus augmentation units na ang pamahalaan na ang umiikot para sa mga mangagawa sa kalakhang Maynila.