Connect with us

Mga lider ng CPP-NPA-NDF at si Joma Sison, dapat managot sa insidente sa Masbate – AFP

CPP-NPA-NDF at si Joma Sison

National News

Mga lider ng CPP-NPA-NDF at si Joma Sison, dapat managot sa insidente sa Masbate – AFP

Naniniwala ang militar na dapat managot si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison at ang iba pang lider ng communist terrorist group sa pagkasawi ng varsity player na si Keith Absalon at kanyang pinsan sa pagsabog ng landmine sa Masbate.

Ito ang iginiit ni Major General Edgardo De Leon, AFP Deputy Chief of Staff for Operations.

Alinsunod anya ito sa prinsipyo ng “Responsibility of the Superiors” sa ilalim ng International Humanitarian Law (IHL).

Binigyang-diin ni De Leon na sa hindi lamang mga tauhan kundi mga lider ang responsable sa paggamit ng ipinagbabawal na landmine.

Sa katunayan anya lumagda sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and IHL (CARHRIHL) ang NDF noong 1998.

Maliban dito, maaari rin silang mapanagot sa ilalim ng RA 9851 o An Act Defining and penalizing Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, Organizing Jurisdiction, Designating Special Courts and for Related Purposes.

More in National News

Latest News

To Top