Connect with us

Mga LGU, mas pabor sa bakuna ng Astrazenaca – DILG

Mga LGU, mas pabor sa bakuna ng Astrazenaca – DILG

National News

Mga LGU, mas pabor sa bakuna ng Astrazenaca – DILG

Iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mas pabor sa COVID-19 vaccine ng Astrazenaca ang karamihan ng mga Local Government Units (LGUS) matapos na ilabas ng National Task Force Against COVID-19 ang listahan ng mga available vaccines sa merkado.

Ipinaliwang ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang inilatag ng NTF ang lahat ng bakuna na maaaring bilhin sa merkado na may kalakip na pertinent data na pumasa sa paglilitis ng Food and Drug Administration (FDA).

Nilinaw ni Malaya na sangkot ang mga LGUs sa pagpili ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa kanilang nasaakupan sa ilalim ng tripartite agreement na kinabibilangan ng nasyonal na pamahalaan, pharmaceutical firms at ng mga lokalidad.

Upang masiguro ang kaligtasan ng bakuna, sinabi ni Malaya na papayagan lamang ng administrasyon ang mga COVID-19 vaccines na nakapasa sa expert panel at nasertipikahan ng FDA.

More in National News

Latest News

To Top