Connect with us

Mga labi ng 75 OFW sa Saudi Arabia, nakauwi na

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakauwi na ang nasa 75 na human remains ng mga Overseas Filipino Workers galing Saudi Arabia.

National News

Mga labi ng 75 OFW sa Saudi Arabia, nakauwi na

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakauwi na sa bansa ang nasa 75 na labi ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) galing Saudi Arabia.

Nilinaw ng kalihim na sa bilang ng mga naiuwing bangkay  65 sa mga ito ay nasawi sa COVID-19 habang ang 10 naman ang  namatay sa natural na dahilan.

Ani Bello,” Okay naman yung dumating na 75 na kababayan nating namatay ,doon sa 75, 65 ang namatay sa COVID ,sampu lang ang namatay sa natural death.”

“Yung 72 ang sabay sabay na dumating ,ang tatlo nadagdag sa ordinary flight.”

Tiniyak din ng kalihim na ang lahat ng mga naiwang pamilya ng mga OFW na nasawi sa Saudi ay makakatangap ng insurance benefits maliban sa death and burial benefits

Ayon naman sa Philippine Airlines  alas 10:13 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport  ang 72 na human remains ng mga Overseas Filipino Workers na nasawi mula Saudi Arabia pero hindi kasali dito ang tatlong pang nadagdag na bangkay.

Una na rin sinabi ni Labor Secretary Bello III na 40 sa mga ito ay galing sa Al Khobar, 17 ang mula sa Jeddah at ang 15 iba pa ay galing naman sa Riyadh.

Ayon pa kay Bello na ang nasabing mga labi ng  OFW ang ika – apat na batch ng repatriation program ng labor department sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration  (OWWA)  at Philippine Overseas Labor Office sa Saudi Arabia.

Ayon pa sa kalihim  ito na rin ang huling batch ng mga mga human remains ng mga OFW na nasawi sa  Saudi.

Gayunpaman, tiniyak ng DOLE na tuloy tuloy pa rin ang ginagawang pagpapauwi sa mga kababayan OFWs na apektado ng pandemya.

More in National News

Latest News

To Top