Connect with us

Mga korup na opisyal ng gobyerno, binalaan ni Pangulong Duterte

Mga korup na opisyal ng gobyerno, binalaan ni Pangulong Duterte

National News

Mga korup na opisyal ng gobyerno, binalaan ni Pangulong Duterte

Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korup na opisyal ng gobyerno na hahabulin ang mga ito sa kanyang natitirang isang taon sa pamumuno.

Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), nangako ang pangulo na huhulihin ang mga korup na government officials.

“So of late, ‘yung sabi nila na huwag na lang ano kasi nasasaktan ‘yung mga pamilya. So ngayon, wala na. I have stopped it. But there is no — there is no saying that we cannot re impose it again for all of these idiots. I still have about a year to go. I will — i will reach you somehow.”, – saad ng pangulo.

Gayunman, aminado si Pangulong Duterte na hindi mapipigilan ang korupsyon sa gobyerno hangga’t hindi mababago ang buong sistema ng pamahalaan.

“But corruption, it’s endemic in government. You cannot stop corruption. Nobody can stop corruption unless you overturn the government completely. If i were the next president, if you think there’s really a need for you to change everybody in the system, then you declare martial law and fire everybody and allow the new generation to come in to work for the government.”, – dagdag ng pangulo.

Ikinumpara ng pangulo ang korupsyon sa iligal na droga na kinasasangkutan ng 9 na heneral ng pambansang pulisya.

Samantala, tinatayang nasa 200 tauhan ng gobyerno na ang tinanggal sa serbisyo matapos masangkot sa korupsyon at 43 naman ang tinanggal mula sa Bureau of Immigration (BI).

More in National News

Latest News

To Top