Hindi magpatutupad ng disconnection ang Manila Electric Company o Meralco sa mga konsyumer nito hanggang sa buwan ng Septyembre.

Mga konsyumer ng Meralco, hindi mapuputulan ng kuryente

National News

Hindi magpatutupad ng disconnection ang Manila Electric Company o Meralco sa mga konsyumer nito hanggang sa buwan ng Septyembre.

Ito ay para matulungan ang mga  konsyumer  na naapektuhan ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Sa pagdinig ng House Committee on Energy nitong Huwebes, napagkasunduan na hindi puputulan ng kuryente ang mga konsyumer na may balance sa billing ngayong umiiral community quarantine dahil sa COVID- 19.

Ayon kay Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco, ngayong buwan ng Agosto ang unang deadline na ipinataw ng Meralco ngunit iniurong ito sa Septyembre.

“Can we request Meralco to extend the period guaranteeing that there will be no disconnection to give people more time to recover and get back on their feet as their work resumes and businesses reopen?”, ani Velasco.

Ayon naman kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, suportado nila ang panawagan ng Kamara na e-extend ang deadline sa pagbabayad ng kuryente.

“We are confirming that there will indeed be no disconnections and that we have extended the period to end of  September. We continue to resolve each and customer concern as we try to further improve our service levels”, saad pa nito.

Habang extended ang deadline, pinaayos naman sa Meralco ang reklamo ng mga consumer dahil sa naglalakihang billing.

Giit pa ni Velasco, patuloy na inuulan ng reklamo ang Meralco dahil sa isyu ng overcharging lalo na sa mga bahay, establisyemento at negosyo na sarado sa panahon ng community quarantine.

Aniya, “These complaints bring additional stress to people. Meralco needs to fix its systems and improve its customer service.”

Sinabi pa ng kongresista na dapat malinaw ito ng Meralco dahil interes ng publiko ang nakasalalay dito.

“Their performance should be able to erase any confusion or any in doubt on Meralco whose franchise and services are imbued with public interest”, ani Velasco.

Nangako naman ang Meralco na tutugunan nito ang reklamo ng kaniyang mga konsyumer.

Ayon kay Zaldarriaga, “Rest assured that we will continue to engage all our customers and will attend to them individually as needed with the assurance that their concerns will be resolved.”

Samantala, welcome development naman para sa mga konsyumer ng Meralco ang moratorium na ipatutupad.