Connect with us

Mga kongresista, hindi kailangan ng libreng bakuna

Hindi mag-avail sa libreng COVID-19 vaccine si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor.

National News

Mga kongresista, hindi kailangan ng libreng bakuna

Hindi mag-avail sa libreng COVID-19 vaccine si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor.

Batay sa panayam ng SMNI news kay Defensor, dapat aniya na maging prayoridad ng nasabing libreng bakuna ang mga mahihirap at frontliners matapos nagpahayag si House Speaker Lord Alan Velasco na ililibre nito ang mga congressmen sa COVID-19 vaccine.

Ipinangangampanya rin umano ni Rep.Defensor sa kanyang mga kasamahan sa kongreso na gumawa sila ng pirmahan na nagsasaad na hindi nila tatanggapin ang naturang offer.

Dagdag pa ni Defensor, ipinanawagan din niya sa mga private companies na sila na ang bumili ng vaccines para sa kanilang empleyado para hindi na masyadong mabigat sa pamahalaan.

Matatandaang ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, uunahin ang mga mahihirap at frontliners kung magkakaroon na ng COVID-19 vaccine ang bansa.

Samantala, nanawagan si ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo sa Inter-Agency Task Force (IATF) na irekonsidera ang pagpatutupad ng mga ‘one size fits all’ protocol kontra COVID-19.

Ito ay sa gitna narin ng implementasyon ng mandatory na pagsusuot ng facemask at full face shield kahit na doon sa mga naka-scooter, runner at siklista.

Ayon sa kongresista, mali na i-require na magsuot ng facemask at face shield ang mga nabanggit dahil sagabal ito sa paningin at paghinga habang tumatakbo at nasa biyahe.

Aniya, hindi akma ang paggamit ng full face shield sa biyahe lalo na sa mga naka motor at bisikleta.

Tinawag pa ng kongresista na “bazooka” at “shotgun” solution ang ginagawa ngayon ng IATF dahil sa dami ng naapektuhan.

Samantala, diin ng kongresista na walang saysay ang pagsusuot ng full face shield sa mga siyudad, bayan at barangay na hindi nagkaroon ng kaso ng COVID-19 simula Enero.

 

More in National News

Latest News

To Top