Connect with us

Mga kandidato na makikipagsabwatan sa CPP-NPA-NDF, mananagot – PNP

CPP-NPA-NDF

National News

Mga kandidato na makikipagsabwatan sa CPP-NPA-NDF, mananagot – PNP

Nagbabala si PNP chief Police General Guillermo Eleazar sa mga kandidato na magbabayad sa CPP-NPA-NDF para makakuha ng permit to campaign at permit to win.

Ito ay gitna ng huling araw ng paghahain ng  Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) para sa halalan sa Mayo 2022.

Ayon kay Eleazar, dapat iwasan ng mga kandidato na makipagkutsabahan sa mga kriminal na grupo para lamang manalo sa halalan.

Nagbabala pa si Eleazar na sinumang magbibigay ng salapi sa CPP-NPA-NDF ay mahaharap sa paglabag sa RA 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Samantala, nakiusap ang Chief PNP sa mga hahabol sa paghahain ng COC na sundin ang inilatag sa panuntunan ng Commission on Elections (COMELEC).

More in National News

Latest News

To Top