gumaling COVID-19 Pilipinas higit

Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 1,500 na

COVID-19 UPDATES National News

Umabot na sa kabuuang bilang na 1,506 ang gumaling sa sakit na COVID-19 sa Pilipinas.

Sa pinakabagong tala ng Department of Health ngayong hapon, Mayo 6, nadagdagan ng 98 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Nakapagtala naman ng 380 bagong kaso ng COVID-19 kung saan umabot na sa 1,004 ang kabuuang bilang nito.

May 21 naman na nadagdag sa kabuuang bilang ng nasawi sa naturang sakit.

Naunang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na bumabagal na ang naitatalang bagong kaso.

Nagsimula na rin mag-flatten ang COVID-19 curve sa 10 o 14 araw na ang nakalipas.