Connect with us

Mga dokumento ng AFP kaugnay ng human rights violations ng CPP-NPA-NDF, gagamitin ng pulisya

Nagpasalamat si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Japan sa kanilang donasyon na Humanitarian Assistance and Disaster relief (HADR) equipment

National News

Mga dokumento ng AFP kaugnay ng human rights violations ng CPP-NPA-NDF, gagamitin ng pulisya

Pormal nang tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang mga dokumento mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng CPP-NPA-NDF.

Binubuo ang mga dokumento ng 1,672 kaso at insidente ng paglabag sa International Humanitarian Law ng communist terrorist mula 2010.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, gagamitin nila ang mga dokumento para sa paghahain ng reklamo ng PNP CIDG laban sa CPP-NPA-NDF.

Matatandaang sinampahan ng pulisya ng iba’t ibang reklamo si CPP founder Jose Maria Sison kaugnay ng recruitment sa mga menor de edad sa kanilang armed wing.

Maliban sa PNP, nabigyan din ng kopya ng mga dokumento ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s Legal Cooperation Cluster.

More in National News

Latest News

To Top