Connect with us

Mga dating opisyal ng LTO, posibleng makasuhan ng plunder

Pag-aaralan ng Senate Blue Ribbon Committee na pasampahan ng kasong plunder ang mga dati o kasalukuyang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) officials dahil sa mga irregularidad at anomalya sa paggawa ng plaka.

National News

Mga dating opisyal ng LTO, posibleng makasuhan ng plunder

Pag-aaralan ng Senate Blue Ribbon Committee na pasampahan ng kasong plunder ang mga dati o kasalukuyang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) officials dahil sa mga irregularidad at anomalya sa paggawa ng plaka.

Sa patuloy na ginagawang pagdinig ng Senado sa makupad na pagpapatupad ng LTO sa Motorcycle Vehicle Crime Prevention Act o Doble Plaka Law ay may mga nadiskubreng mga anomalous contract sa paggawa at pag-issue ng mga plaka sa nakalipas at kasalukuyang administrasyon na  siyang naging dahilan para magkaroon ng backlog o delay sa pamimigay ng mga plaka.

Paliwanag ni Gordon, 2013 sa panahon ng Aquino Administrasyon nang magsimula ang bidding para sa Motor Vehicle License Plate Stardization Program na nagkakalahaga ng ₱3.8 B.

Pero ang nasabing bidding ay hindi aniya nagkaroon ng appropriation dahilan para ito ay magkaroon ng kaso sa Supreme Court.

Dahil dito, nagkaroon ng delay sa pagpapalabas ng license plate.

Sa ilalim ng Duterte Administrasyon, kumuha ng bagong supplier ang LTO kasama ang Trojan Computer Forms Manufacturing Corp. dahil sa pagkakaroon ng dalawang supplier ay nagkaroon ng panibagong delay sa pagpapalabas o pamimigay ng plaka sa mga motorista.

Sa taong 2018, ay ₱18-M ang naiulat na backlog sa paggawa ng mga plaka.

Punto ni Gordon, dahil sa kawalan ng agarang aksyon dito ng  LTO at mga corrupt practices ay naging pahirap ito sa mga motorista, sapat na grounds para masampahan aniya ng graft o Plunder ang mga LTO official.

Naniniwala din si Gordon na ginagawa ang mga irregularidad para makakolekta ng pera hindi lamang noong 2016 elections pero maging para sa darating na halalan.

Ikakasa rin ng Senate Blue Ribbon Commitee ang imbestigasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center dahil maaring ginagawa ito para maging political mileage.

Una ng sinabi ni Sen. Grace Poe na ilan sa mga PMVIC ay pag-aari ng mga kamaganak ng mga DOTr at LTO official.

More in National News

Latest News

To Top