Mga classroom sa bansa, iminungkahing gawing quarantine facility

National News

Iminungkahi ni Marikina Representative Bayani Fernando na gawing quarantine centers ang mga classroom para sa asymptomatic at mild COVID-19 cases habang walang face to face classes.

Ayon kay Fernando, 1 is to 1 ang ratio o isang pasyente sa isang classroom ang ipatupad para maagapan ang pagkalat ng virus.

“I am proposing that asymptomatic individuals be quarantined in classrooms and the ratio would be 1:1 or one classroom, one COVID-19 positive person. In this way, we can prevent further transmission”,saad ng opisyal.

Dagdag pa ng kongresista na dapat nakabukod ang treatment sa may mga mild case at hindi ito dapat ihalo sa mga ospital.

Mababawasan rin aniya ang takot ng publiko na magpaconfine sa quarantine dahil hindi sila sa ospital dadalhin kung saan naroon ang mga may sakit.

Aniya, “The people are afraid to go to these facilities. So they would rather choose to stay in their homes, putting their families at risk of infection. We have to allay the fear of the patients while at the same time protect the well-being of their families.”

Giit pa ni Fernando na dapat ilipat ang mga positive cases sa bawat mag-anak dahil sa epekto prone ng hawaan sa virus kapag hindi ito inilagay sa isolation.

Kung maibubukod aniya ang bawat pasyente sa isang maluwag na pasilidad, ma-iibsan aniya ang pagkalat ng virus.

Giit ni Fernando, ngayong walang magaganap na face to face classes ay ipagamit nalamang ang mga classroom lalo pa at may sarili itong palikuran.

Sa pagtaya ng kongresista, nasa  1 milyon ang classroom  sa buong bansa.