hindi kukunin bilang contract tracers

Mga chismosa, hindi kukunin bilang contract tracers – PNP

National News

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi kukunin bilang contract tracers  ang mga chismosa sa pagtulong sa gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, ang mga chismosa ay pagkukuhaan lamang ng inisya na impormasyon ng otoridad.

Dagdag pa ni Banac, ang mga kukunin lamang na contact tracers ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ay ang mga indibidwal na may “real skills” sa contact tracing, mayroong “cognitive skills” at “capacity for empathy.”

Sa magkaibang panayam naman ay tinawanan na lamang ni Interior Secretary Eduardo Año ang balitang kukuha ang gobyerno ng mga chismosa bilang contact tracers.

Giit niya, ang contact tracing ay isang siyensya at mayroon silang kwalipikasyon para dito.